ni NOREEN M. ESPENIDA-ABENIR
ASST. SCHOOL PRINCIPAL II, MNCHS
MASBATE CITY DIVISION

 

Ano nga ba ang saysay ng buhay kong ito?

Kung ang tunay na nasa kaibuturan ng puso’y

di nasunod ng ayon sa realidad ng buhay ko?

Ano nga ba ang saysay ng buhay kong ito

Kung saki’y plano naiba?

Kasaguta’y naisaguhit na sa palad ko

Ng Panginoong may alam ng damdamin at isipan ko.

Saysay nito’y dapat kong isapuso

Ng sa gayo’y ligaya ko’y maging lubos.

Pagiging Guro ko’y gampanan ng totoo para sa bayan ko

Maging mga kaakibat na tungkulin dapat na magampanan ko

Mga gawain hindi kailangang ipagpa-bukas ko.

Pagtuturo ng mga kaalaman sa asignatura

Ay dapat na may katambal na tamang disiplina

Sinasamahan ng pagmamahal na walang sukatan

Ako ngayo’y Guro na mayroong pagmamahal na walang sukatan

Upang ang mga henerasyong X, Millennials at Z ay masabayan

Na tunay na inaasahan sa mga Guro ng kayamanan.

At ng de kalidad na edukasyon ay makamtan

Yan ang saysay ng buhay kong tinuran.