ni Maria Divina A. Logronio
Isang katotohanan na ang ating kapaligiran ay nakapanlulumong tingnan dahil sa pagsasawalang bahala ng mamamayan. Ito ay katotohanang may kaakibat na panawagan at hamon sa ating lahat.
Sa mga nangyayaring pagbabago ng klima at ibat ibang uri ng kalamidad ang ilan sa atin ay maaring hindi nakakaalam na ang mabigat na dahilan ay ang kapabayaan nating mamamayan. Ang walang pakundangang pagputol ng mga punongkahoy, ang hindi pgsunod sa proper waste segregation, ang hindi pagsunod sa tamang tuntunin ng mga pabrika at minahan ay dagdag din sa mga pasakit na ating nararanasan.
Ang kakulangan ng kamalayan sa mga bagay na ito ay maaring hindi na ang siyang mabigat na dahilan sapagkat samu’t saring paalala gamit ang iba’t ibang pamamaraan ay ginawa na upang ipalala sa ating lahat ang tungkol sa kawastuhan at pagsunod sa mga tuntunin.
Marami nang dapat naikintal sa ating isip at puso, dala ng mga paalala sa atin subalit saan ng aba tayo nagkulang? Marahil narinig at nabasa natin ang lahat ng mga paalala na ito. Sa radyo, telebisyon, pahayagan at mga nakabanderang mga karatola na nagpapaalala, ngunit ito’y pagpapatotoo na ang katuparan at nakasala-lay sa ugali ng tao- ang pagsunod o hindi pagsunod sa mga batas at alintuntunin upang makapag-ambag sa ikabubuti nan gating kapaligiran.
Kaya, ang panawagan na tayo ay magtulungan para sa kapaligiran.