TINGNAN: Umarangkada na ngayong araw, Agosto 30, 2022, ang implementasyon ng 8-Week Learning Recovery Program (LRP) sa lahat ng pampublikong paaralan sa Sangay ng Lungsod ng Masbate.
Pinangunahan ng hepe ng Curriculum Implementation Division (CID) na si G. Noel D. Logronio ang pagsubaybay sa naturang implementasyon katuwang ang mga pansangay na superbisor ng iba’t-ibang asignaturang akademiko at ang mga Public Schools District Supervisor (PSDSs).
Ang impelementasyon ng 8-Week Learning Recovery Program (LRP) ay naglalayong makabawi ang mga mag-aaral sa learning losses na dulot ng dalawang taong implementasyon ng Modular Distance Learning (MDL) mula nang sumailalim ang Kagawaran ng Edukasyon sa health crisis na dala ng COVID-19.
Higit sa lahat layunin ng LRP ang maiangat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa Grades 1-3 sa literacy at numeracy upang sa ganun ay lubusang maging “grade level ready” sila pagpasok ng ikalawang quarter sa taong panuruan.