Tuluyan nang sinakop ng computer at mobile games ang malaking porsyento ng kabataan sa aming henerasyon. Ito ang nakapalulumong katotohanang dala ng ebolusyon ng teknolohiya.
Malimit kong naririnig ang pahayag ng mga kapwa ko tungkol sa kawalan ng interes ng kabataan sa paglalaro sa labas ng kanilang mga tahanan kagaya ng nakasanayan noon at mas pinipili ang paglalaro gamit ang cellphone o kompyuter at maghapong paglalaro ng mga video games.

Bagama’t mayroong mga kabataang mas pinipili ang pisikal na paglalaro kasama ang kanilang mga kaibigan, hindi makakaila na marami rami na rin ang makikita ng naglalaro ng sama sama ngunit cellphone naman ang hawak. Naglalaro nga sila ngunit tanging ang kanilang mga mata’t daliri lamang ang gumagalaw.
Sa madaling sabi, ang mga larong nagugustuhan ng mga kabataan ngayon ay yaong hindi masyadong gumagamit ng pisikal na galaw kundi yaong paglalaro ng nakaupo o nakahiga lamang. Marahil ito na nga ang bagong usong laro ngayon, ang mga sedentary sports kung tawagin.

Kung susuriin, nakabubuti rin naman ang sedentary sports. Sa mga larong ito ay hindi na napapagod ang mga kabataan dahil sa lubusang paggalaw. Malayo na rin sila sa sakit na makukuha mula sa mga alikabok at init ng panahon. Mas mababa na rin ang posibilidad ng injury dahil hindi naman kinakailangan ng pagtakbo at paglundag sa mga larong ito.
Ang maganda sa mga larong ito ay maari itong laruin kahit wala kang kasama. Kahit mag-isa ay makakapaglaro at makakapagsaya. Hindi na kailangan pang tawagin ang mga kaibigan para makapaglaro dahil kahit one-player ay tuloy na tuloy ang laro dahil ang computer na mismo ang kalaro dahil sa naka program na ito.
Sa mga larong ito rin ay na eensayo ang estratehiyang pag-iisip ng utak, sa paghahanap ng paraan upang maipanalo ang mga laro ay nahahasa ang kakayahan ng utak na mag-isip ng mabilis.
Sa mga larong ito rin ay na eensayo ang estratehiyang pag-iisip ng utak, sa paghahanap ng paraan upang maipanalo ang mga laro ay nahahasa ang kakayahan ng utak na mag-isip ng mabilis.
Sa kabilang banda, kung ating pag-aaralan ng malalim ang pagbabad ng mga kabataan sa paglalaro ng kanilang ng mga devices, ito ay maaring maging dahilan ng pagiging anti-social o ang pagka takot sa maraming tao. Kung puro one-player lamang ang mga larong pagtutuunan, hindi mahahasa ang kakayahan ng taong makipagkaibigan.
Bagama’t malalayo sa injuries ang mga naglalaro sa kanilang mobile phones, mas delikado ang sakit na kanilang makukuha mula sa paglalaro ng hindi gumagalaw. Ang kakulangan ng energy expenditure sa pamamagitan ng pagpapawis o paggalaw ay nagdudulot ng paglaki ng katawan na maari ding magbunga ng diabetes, high blood o kahit na ang stroke. Dahil din sa kakagamit ng kanilang daliri ng walang pahinga, may malaking posibilidad rin na magkaroon sila ng trauma sa daliri na maaring magtagal ng ilang linggo.
Ang sobra ring pagtutok sa LCD ng kanilang computer o cellphone ay nagdudulot ng kalabuan sa mata. Ang radiation ay lubos na masama para sa paningin. Nakasanayan rin ng karamihan na matapos maglaro ng video game ay agad-agad maliligo na kung patuloy na gagawin ay magiging banta sa kalusugan.
Kahit na nakatutulong ang mga sedentary sports sa strategic thinking skills ng manlalaro, mas maraming kakayahan ang nahahasa sa tulong ng mga pisikal na isports. Kagaya na lamang ng cardio-vascular endurance na siyang nagtataya ng kakayahan ng katawan sa matagalang paglalaro, agility o ang bilis ng paglipat ng posisyon, speed o ang bilis, hand-eye coordination o ang pag kakaugnay ng mata at kamay sa pagsalo ng mga bagay.
Ang sedentary sports na ito ay dapat lamang na maminimize, ito ay nakakasama sa mental at pisikal na kalusugan ng manlalaro. Bagkus ay mas pag igihan natin na isulong ang emphasis sa pisikal na edukasyon sa mga paaralan sa tulong ng asignaturang MAPeH.
Sapagkat may mga negatibong dulot ito sa mga kabataan, sa pamamagitan ng asignaturang MAPeH ay maisulong at mabigyan ng tuon ang pisikal na edukasyon upang mapaunlad ang pisikal na kalusugan. Bukod pa rito, sana hindi tuluyang mabaon sa limot ang mga larong Pilipino dahil sa paglago ng teknolohiya.
Ni: Christyl Jude A. Verano