Isinulat ni: Analiza P. Astillero
Isang bagong hamon para sa gurong puno ng dedikasyon at malasakit sa mga bata. Isang nilalang na tahimik na nagsisikap at masaya sa propesyong niyakap ng maraming taon. Ang paaralan ang naging ikalawang tahanan at naging saksi sa masigasig na pagtuturo . Ang kanyang katapatan bilang isang lingkod ng bayan ay nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng bawat mamamayan.
Sa paglipas ng panahon marami ng hinarap na pagsubok ang sa kanyang propesyon dala ng pagbabago sa larangan ng pagtuturo at edukasyon. Mula sa ordinaryo at tradisyunal na pagtuturo pumasok ang iba’t – ibang estratehiya, inobasyon, integrasyon, maging ang teknolohiya. Ang lahat ng ito ay kaniyang niyakap dala ang positibo na paniniwala sa kabutihang dulot nito sa kabataan.
Sa panahon ng pandemya, muling siyang haharap sa panibagong laban. Bagong pakikipagtunggali sa usaping pangkalusugan para sa edukasyon ng kabataan. Laban na hindi lamang isasaalang –alang ang sariling kalusugan ngunit higit ang kapakanan ng kabataan sa ahensiyang pinaglilingkuran.
Sa krisis ng kinakaharap ng buong mundo, niyang haharapin ang nakaambang hamon sa pagtuturo. Sa “bagong karaniwan”, kumakaway sa kanyang sensiridad at pusong may malasakit ang pagbabago. Isang tatayo upang magbigay pag-asa sa kabataan sa gitna ng krisis pangkalusugan. Sa kanya, patuloy na kumakatok ang wagas na paglilingkod upang patuloy na na mabuksan ang kamalayan sa bawat kabataang Pilipino. Sa likod ng agam-agam at takot batid niya na kailangan tumayo sa paghahatid ng de-kalidad at ligtas na edukasyon sa panahon ng pandemya. Kailanman ay hindi ito magiging madali ngunit ang bayanihan at pagkakaisa ang tanging pintuan upang maisagawa ang paglilingkod sa bawat Pilipino sa tawag ng propesyon. Positibo sa kilos at pananaw na ito ay hindi magtatagal at darating ang bagong umaga na ang paglilingkod ay naialay na walang nasasakripisyong buhay. Ito ang lakas na bubuwag sa kalaban na hindi nakikita at magbubuklod sa pananalig sa Diyos na may likha.
Sulong EduKalidad. Para sa bata, para sa bayan.